HUWAG PADALOS-DALOS  SA PAGGAWA NG BATAS

Bishop Pablo Virgilio David-2

PINAALALAHANAN ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Vice Pres. at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang mga mambabatas na huwag magpadalos-dalos sa paggawa ng mga batas.

Ito’y kaugnay sa isinusulong na Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) bill sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay David, mahalaga ang konsultasyon sa mamamayan at mapakinggan ang kanilang paninindigan at saloobin sa usapin.

“So if you are represen­ting people, listen. Listen to your constituents and what they have to say about the issue. So a reason debate I think is very, very important on the matter,” ayon kay David, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Ang pahayag ay ginawa ni David, matapos na unang sabihin ni Senate President Vicente Sotto III na hindi papasa sa Mataas na Kapulu­ngan ng Kongreso ang SOGIE bill na nakatuon lamang sa mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender and queer o LGBTQ community.

Paglilinaw ng mambabatas, maari pang ipasa ng Senado ang anti-discrimation bill subalit hindi ang SOGIE bill kung saan nakapaloob din sa panukala ang same sex marriage.

Nagpahayag na rin naman ang CBCP ng suporta sa anti-discrimination bill at ang pagkilala sa mga gay at lesbian sa pantay na karapatan tulad ng ka-raniwang mamamayan.

Nagsagawa rin ng mga pagtalakay ang CBCP-Episcopal Commission on Fa­mily and Life na may temang COURAGEOUS LOVE: JOURNEYING TOWARDS CHRIST WITH PERSONS WHO EXPERIENCE SAME SEX ATTRACTION.

Ayon kay CBCP-ECFL chairman Lipa, Batangas Archbishop Gilbert Garcera, ito ang bahagi ng Simbahan para ipadama ang pagmamahal at kanilang maranasan na sila ay kabahagi at hindi malayo sa Simbahan. ANA ROSARIO HERNANDEZ

2 thoughts on “HUWAG PADALOS-DALOS  SA PAGGAWA NG BATAS”

  1. 6636 238753You could certainly see your skills inside the function you write. The world hopes for more passionate writers like you who arent afraid to say how they believe. At all times follow your heart 112068

Comments are closed.