ILANG araw na lamang at idaraos na ang eleksiyon sa Mayo 9 at ang karapatan sa pagpili ng mga bagong ihahalal na kandidato ay gagampanan ng mga botante na naaayon sa Saligang Batas dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng bansa at ng buong sambayanan.
Ang Pangulo ang siyang pinuno ng estado. Gumaganap ito bilang Commander-in-Chief ng Armed Forces of the Philippines at pinuno ng Ehekutibo na binubuo ng kanyang gabinete at may taglay na kapangyarihan sa pagtatalaga ng mga mahistrado ng Korte Suprema matapos sumailalim sa Commission on Appointments.
Huwag nating sayangin ang ating boto. Piliin natin ang mga karapat-dapat.
Huwag pabuyo, sa halip ay isipin natin ang kapakanan ng ating bansa at ang kinabukasan ng sambayanang Pilipino.
Ang mga maaaring pagpilian sa hanay ng mga tumatakbong presidente para mamuno sa ating bansa, ayon sa Commission on Elections, ay kinabibilangan nina former presidential spokesman Ernie Abella, labor leader Leody De Guzman, Manila Mayor Isko Moreno, dating Defense Secretary Norberto Gonzales, Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson, Muslim leader Faisal Mangondato, dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., Lawyer Jose Montemayor, Jr., Senator Manuel Pacquiao at Vice President Leni Robredo.
Ang bise presidente ang humahalili sa Pangulo ng bansa sakaling ito ay mamatay, may kapansanan o magbitiw sa tungkulin. Ang ikalawang pangulo ay sadyang itinatalaga ng Pangulo sa isang posisyon sa Gabinete na hindi nangangailangan ng kumpirmasyon para magsilbi.
Ang mga pagpipiliang kandidato para sa ikalawang pangulo ay kinabibilangan nina dating Party-list Representative at Manila Mayor Lito Atienza, former Congressman Walden Bello, David Rizalitro, Davao City Mayor Sara Duterte, Manny Lopez, Dr. Willie Ong, Senator Kiko Pangilinan, Carlos Serapio at Senate President Vicente Sotto III.
Ang mga mambabatas sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang gumagawa ng mga batas, bukod sa lawak ng kaalaman na nakalaan para sa mga tao ukol sa probisyon at inisyatiba at referendum.
Ang mga tumatakbo sa pagka-senador para sa May 9 elections ay sina Abner Afuang, Ibrahim Albani, Jess Aranza, Teddy Baguilat, Agnes Bailen, Carl Balita, Lutz Barbo, Herbert Bautista, Greco Belgica, Silvestre Bello, Jr., Jojo Binay, Roy Cabonegro, John Castriciones, Allan Peter Cayetano, Melchor Chavez, Neri Colmenares, David D’Angelo, Leila De Lima, Monsour Del Rosario, Ding Diaz, Chel Diokno, JV Ejercito, Guillermo Eleazar, Ernie Ereno, Chiz Escudero, Lucas Espiritu, Jingoy Estrada, Baldomero Falcone, Larry Gadon, Win Gatchalian, Dick Gordon, Samira Gutoc, Gringo Honasan, Risa Hontiveros.
RJ Javellana, Nir-Mahal Kiram, Elmer Labog, Alex Lacson, Rey Langit, Loren Legarda, Ariel Lim, Emily Mallillin, Rodentre Marcoleta, Francis Leo Marcos, Sonny Matula, Marieta Mindalano-Adam, Leo Olarte, Mingita Padilla, Robin Padilla, Sal Panelo, Astra Pimentel, Manny Pinol, Willie Ricablanca, Harry Roque, Nur-Ana Sahidulla, Jopet Sison, Gibo Teodoro, Antonio Trillanes, Raffy Tulfo, Rey Valeros, Joel Villanueva, Mark Villar, Carmen Zubiaga at Migz Zubiri.
Kasama ring ihahalal ang mga party-list.
Inaasahang daragsa sa iba’t ibang voter’s center sa buong kapuluan ang mga rehistradong botante para tumupad sa kanilang obligasyon na pumili at iboto ang mga kandidato na makatutulong para maiahon ang bansa sa kahirapan.
Ang mga kapulisan at kasundaluhan ay ikakalat sa lahat ng voter’s precincts para proteksiyunan ang mga balota sa araw ng halalan hanggang sa matapos ang bilangan ng boto.
May mga pagkilos ding inihanda ang Comelec at iba pang awtoridad sa sinumang tao o grupo na magpapasimula ng kaguluhan at nakatutok din ang mga ito sa posibleng vote buying at iba pang paglabag sa COMELEC rules.
Ang Pangulong Rodrigo Duterte ay umaasang magiging malinis, maayos at mapayapa ang May 9, 2022 national at local elections.
vvv
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag- email sa [email protected].