HUWAG SAYANGIN ANG KANIN

NAKALULUNGKOT na malaman na maaaring makapagkain ng 2.8 milyong Pilipino kada taon sana ang mga kanin na napupunta lamang sa basurahan.

Kaya mismong ang grupo ng mga restaurant na ang humihi­ling na magtakda ng panuntunan sa isinusulong ng Department of Agriculture (DA) ng half-cup rice sa mga kainan  upang mapigilan ang pagsasayang ng kanin.

Umapela ang DA sa publiko na kumuha lamang ng kanin na ka­yang ubusin.

Matagal na dapat  naipatupad ang half cup rice policy sa mga kainan.

Sa data mula sa PhilRice, uma­abot sa 255,000 metriko tone­lada ang nasasayang na bigas ng 19-20 pamilyang Pilipino kada taon. Ito ay naitala mula sa mga kabahayan noong 2019, mula sa 340,000 metric tons  noong 2009.

Maaari na itong makapagpakain ng halos tatlong milyong Pilipino.

Tulad ng pahayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. kailangang matugunan ang pagsasayang ng kanin.