HUWAG SAYANGIN O IBENTA ANG BOTO

alex santos

ILANG tulog na lang, aarangkada na ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) election.

Paulit-uilit nating napapanood sa telebisyon, nababasa sa pahayagan at napapakinggan sa radyo ang mga paalala na tayo ay bumoto nang tama at pu-mili ng karapat-dapat na kandidato.

Ang masaklap nga lang, hindi naman matukoy ng ilan nating kababayan kung ano ang tama at kung sino nga ba ang dapat iluklok sa puwesto.

Sa sobrang dami ng kandidatong tumatakbo ngayon, hindi uubra ang palabunutan o i-asa na lang sa tsamba ang lahat.

Nailabas na ng mga awtoridad sa publiko kung sino-sino ang mga hindi dapat iboto sa eleksiyon sa pamamagitan ng ‘narco list’.

Bagama’t may mga nailagay na personalidad na wala na sa posisyon, tiyak namang nariyan pa rin ang kanilang impluwensiya.

Sa ganang akin, dapat iboto ang mga may takot sa Diyos; may malasakit at pagmamahal sa ating bayan; magaling mamahala sa sariling pamilya; tapat sa kanyang asawa at anak; hindi alipin ng anumang bisyo; at mataas ang antas ng moralidad.

Sa totoo lang, hindi nagtatapos sa rebelasyon ng ‘narco list’ ang lahat.

At kung nalulusutan man nila ang batas, puwede natin silang sentensiyahan sa pamamagitan ng banal nating boto sa Lunes.

Laging isaisip na kahit iisa lang ang boto natin, nakakulapol naman dito ang kapangyarihang gumawa ng tunay na pagbabago at mga magagandang bagay kung gagamitin ito nang tama.

o0o

Si Alex Santos ay broadcaster sa mga programa ng DWIZ 882 tulad ng Ratsada Balita tuwing alas 6 ng umaga; IZ Balita Nationwide Pang-umagang edisyon (7am-8am) at kasalukuyang host ng Public Service program sa PTV 4 ang KILOS PRONTO, tuwing alas 4 y medya hanggang alas-5 y medya ng gabi, Lunes hanggang Biyernes. Mapapanood niyo rin ako sa PTV SENTRO BALITA araw-araw dakong ala- 1 ng hapon. Ipadala ang inyong komento at reaksiyon salupaxsantos1@ yahoo.com o pwede niyo akong i-follow sa twitter account @iamalexsantos

 

 

 

 

4 thoughts on “HUWAG SAYANGIN O IBENTA ANG BOTO”

  1. 106179 467262hey was just seeing in case you minded a comment. i like your site and the theme you picked is super. I will likely be back. 702530

  2. 506474 550261You completed certain very good points there. I did searching on the topic matter and found most persons will go together with your blog 306771

  3. 133755 945793Aw, this was a really good post. In notion I would like to put in writing like this furthermore – taking time and actual effort to make a really very good article but what can I say I procrastinate alot and by no indicates appear to get something done. 125363

Comments are closed.