SISIMULAN na ang surveying para sa pagtatayo ng hydro power plant sa San Miguel, Echague, Isabela.
Lumagda sa Memorandum of Agreement ang Rio Norte Hydro Power Corp. at pamahalaang panlalawigan ng Isabela at Echague Mayor Francis “Kiko” Dy at ilan ng opisyal.
Ang itatayong hydro power plant ay may 19.17 mega watts run off river hydro power project at inaasahang magsusuplay ng 85 million kilo watts ng enerhiya kada taon.
Posibleng mas mababa na ang singil sa koryente at mabebenipisyuhan ang lungsod ng Santiago: Cauayan, bayan ng Alicia, Cordon, San Mateo, Angadanan, Cabatuan, Jones, Ramon, Reina Mercedes, San Agustin, Echague, San Isidro, Luna at ang bayan ng San Guillermo.
Tiniyak naman ni Project Manager Maximo Aton Jr. ng Rio Norte na hindi makakasama sa kalikasan ang nasabing proyekto dahil may binuo na silang forest management group para magtanim ng mga puno sa lugar. R. VELASCO
Comments are closed.