HYPERTENSION MAS MALALA PA SA COVID-19 SA PINAS -HEALTH EXPERTS

NAGPAHAYAG ng pagkaalarma ang hanay ng mga cardiologist o espesyalista sa puso kaugnay ng patuloy na pagtaas ng hypertension sa kabataan na karamihan ay sobrang taba at overweight.

Ito ang sumentro sa ginanap na virtual press conference ng Philippine Heart Association Council on Hypertension na iprinisinta ni Dr. Jorge Sison, dating PHA president at consultant sa Adult Cardiology ng Makati Medical Center.

Ipinakita ni Dr. Sison ang layunin at resulta ng kanilang tinatawag na Presyon 4 Nationwide 2021 Hypertension Survey na isinagawa nitong Enero hanggang Abril 2021 kung sana binanggit rito na ang Filipinas ay nahaharap na sa dalawang pandemya at ang hypertension aniya ay pinakamalala kumpara sa nararanasang Covid-19.

“We saw a rise on the prevalence of hypertension. It’s unstoppable,” saad ni Dr. Sison.

Sakop ng isinagawang survey ang 2,796 subjects sa 12 regions kabilang ang Metro Manila na may 2,796 adults (18 years old pataas) na nainterview at 641 kabataan (12 -18 years old) na nasa illaim ng pediatric population.

Aniya, ang naturang pag aaral ay pinag tulungtulungan na mas may prospective, multi-staged, stratified ang nasabing nationwide survey sa hypertension.

“Our prevalence as of 2021 is at 35 percent,” hypertension is “not only for the rich, but for everyone,” dagdag pa ni Dr. Sison.

Lumalabas din na 3 o 4 sa sampung Pinoy ay mayroong high blood pressure.

Ito naman ang ipinarating ni Dr. Roberta Cawed-Mende, PHA Council on Hypertension chairperson, na aniya ang Covid-19 ay may matinding epekto sa hypertension.

“Those with comorbidities, such as hypertension, suffer from severe Covid-19, I think one effect of Covid-19 is hypertension,” pahayag ni Dr. Cawed-Mende na naniniwalang dahil sa kakulangan ng ehersisyo o physical activity at diet sa gitna ng mga nagdaang lockdowns ang mga dahilan ng pagdami ng mga taong hypertensive. BENEDICT ABAYGAR, JR.

11 thoughts on “HYPERTENSION MAS MALALA PA SA COVID-19 SA PINAS -HEALTH EXPERTS”

  1. 910673 876218Quickly and easily build your internet traffic and PR, which provides Internet site visitors to add your page to any social bookmarking website. 531238

  2. 879249 669113Wow, awesome weblog structure! How long have you been running a weblog for? you created blogging look straightforward. The total appear of your site is amazing, let alone the content material! 70279

  3. 707495 916266It is hard to search out knowledgeable individuals on this topic, but you sound like you realize what youre speaking about! Thanks 663837

Comments are closed.