I DO, I DO: KASALANG BAYAN NAPUNO NG ‘PAG-IBIG’

PAG-IBIG FUND-10

MAYNILA – NA­GING matagumpay ang taunang “I Do, I Do: Araw ng Pag-IBIG o Kasalang Ba­yan” na isinagawa nang sabay-sabay sa buong bansa.

Ayon kay Pag-IBIG Fund, Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti, nasa 1,300 couples ang ikinasal kahapon sa 11 lugar sa bansa na kanilang handog sa kanilang mga miyembro na maging formal ang union.

MOTIAniya, ang mga ikinasal ay pawang mi­yembro ng Pag-IBIG at kanilang handog ang nasabing mass wedding upang palaganapin ang pag-ibig sa kapwa.

Sa Maynila, isinagawa ang mass wedding sa Tent City sa The Manila Hotel habang ang iba pang venue ay sa Baguio, Isabela, Pampanga, Bulacan, Laguna, Bicol, Cebu, Negros Occidental, Cagayan de Oro at Davao City.

Sinabi ni Moti na layunin ng kanilang isinagawang mass wedding ay upang iangat ang pamumuhay ng bawat pamilya.

“I do, I do: Araw ng Pag-IBIG event is part of our corporate social responsibility activities. This is our way of showing that Pag-IBIG Fund is not only a saving institution and a provider of home loans but also their partner in building a happy family,” ayon pa kay Moti.

Sec Eduardo del RosarioSa mensahe naman ni Secretary Eduardo del Rosario, chairperson ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees at kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), na ang katatapos na Kasalang Bayan ay isinasagawa na sa loob ng siyam na taon na naglalayong tumulong sa low-income member at bahagi rin ng pagtugon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte  na tulungan ang Filipino families.

“Pag-IBIG Fund has helped member –couples formalize their union and the same time, enjoy the benefits of Pag-IBIG membership. This is one of the many ways that we carry out President Duterte’s directive of helping Filipino families particularly those in the low-income sector by providing them better access to the social benefits,” pahayag ni Del Rosario. EUNICE C.

Comments are closed.