Noong October 14, 1943 itinatag ang ikalawang Republika ng Pilipinas kung saan si Jose P. Laurel ang itinalagang pangulo ng mga Hapones. Iba ang Konstitusyon dito, at hindi na nangangailangan ng Vice President.
Gayunman, dumaong ang apat na U.S. Navy Sixth Army divisions sa dalampasigan ng Leyte noong October 20, 1944. Nagsagawa ang mga Japanese ng aerial counter-attacks na ikinawasak ng USS Sangamon (CVE-26) at iba pang barko, ngunit hindi sila napigilan sa pagdaong.
Nang araw ding iyon, agad ipinamalita ni General Douglas A. MacArthur na bumalik na siya. “I have returned,” aniya sa isang radio message, na ang pinatutungkulan ay ang mga Filipino na iniwan niya noong kasagsagan ng digmaan, ngunit pinangakuang babalikan — mula sa iconic promise na “I shall return” habang tumatakas.
Umalis siya sa Pilipinas sakay ng PT Boats noong March 1942.
Para sa mga Japanese, kapag natalo sila sa Leyte, pangitain itong matatalo sila sa buong Pilipinas, kaya naghanda sila at nagpadala sa Leyte ng limang makalakas na naval forces upang mapalayas ang mga American fleet. Nagdagdag pa sila ng mas naraming sundalo para sa land fighting kinabukasan, October 21. Nang mga sumunod na araw, naganap ang pinakamalaki at pinakakumplikadong labanan sa dagat sa panahon ng World War II, na tinawag nilang Battle of Leyte Gulf.
Natural na nanalo ang USA dahil pinangatawanan ng husto ni MacArthur ang kanyang pangakong pagbabalik. Katunayan, personal pa siyang nagsasagawa ng inspection sa kabuuan ng Leyte Island kasama ang kanyang staff.
Kung may makita silang sugatan, agad itong ipadadala sa ligtas na lugar, malayo sa nag-aapoy na dalampasigan ng isla. At kung may Army casualty, agad ding babalutin upang hindi bumaho.
At nakalaya ang Pilipinas sa kuko ng pagkaalipin.
JAYZL VILLAFANIA NEBRE