‘I LOVE CACAO’ EXHIBITS AT SM CITY LUCENA

I LOVE CACAO EXHIBITS

ITINANGHAL ang “Bean to Bar” na kuwento ng cacao sa First Quezon Cacao Festival, isang limang araw na exhibit na ginanap sa Event Center ng SM City Lucena kamakailan.

Ipinakita ang mga nakapaglalaway na timpla ng tablea kasama rito ang tablea ice cream, champorado na may kasamang tablea, tablea chami, isang popular ng lokal na flour noodles.

Magtatampok din ang regional festival ng ibang produkto ng cacao mula sa Batangas, Cavite at Laguna.

Sinabi ni Ms Jenny Suarez-Lopez, chief-of-staff ng Quezon LGU na kumatawan kay Gov. Danilo Suarez, na panahon para ang industriya ng cacao ay makilala lalo na sa Quezon na noong Disyembre 2019, ay mayroong 2,026 ektaryang may tanim na cacao sa Calabarzon.

Ang okasyon ay magkasamang itinayo ng Department of Trade and Industry- Quezon, ang Provincial Government ng Quezon, Department of Agriculture Region 4-A at AGE Communications.

Itinampok din ang nasabing okasyon sa Unang HIrit ng GMA7 sa unang araw nang ito ay ilunsad.

Comments are closed.