I love myself

Leanne Sphere

Palaging may pressure kahit pa gaano kasimple ang buhay. Wala itong pinipili, mayaman ka man o mahirap – iba-ibang klase nga lamang ng pressure. At ang pressure nay an, hindi mo yan malalampasan kung hindi mo mahal ang sarili mo.

Talking about loving yourself, medyo mabigat nay an. Ang pinag-uusapan na kasi dito ay concept of self-esteem.

Kung hindi mo mahal ang sarili mo, ano ang Karapatan mong maghanap ng pagmamahal mula sa iba? At kapay self-esteem na ang usapan, kasama na rin dito ang self-respect. Gaano kalaki ang tiwala mo sa iyong sarili at sa itong kakayahan? Una sa lahat, kumilos ka muna para mahalin mo ang sarili mo, dahil sino pa ng aba ang magmamahal sa’yo kundi ikaw na rin?

May mga nami-meet tayong mga taong medyo may kaya – hindi may kaya sa buhay kundi may kayabangan. Yung akala niya, lahat na lang ay tungkol sa kaniya. Huwag po kayong magalit sa kanila. Dahil sa totoo lang nagma-manifest ito ng insecurity. Oo nga at ang ibig sabihin ng self-love ay pagbibigay ng high regard sa iyong pagkatao at kaligayahan, pero hindi naman dapat na sabihin mo sa iba ang lahat ng accomplishments mo. Unless, iniisip mong minamaliit ka nila.

Ang self-love ay pagsisigurong makukuha mo ang lahat mong pangangailangan na hindi mo kailangang isakripisyo ang iyong pagkatao. Siguro, lumaki ka sa lugar kung saan hindi ka masyadong tanggap o kaya naman ay sa lugar na lagi kang ipinahihiya. Baka sobra na tayong naniniwaa sa mga kakulangan ng sating pagkatao, ngunit gusto kong ipaalala sa inyong walang taong perfect. Lahat tayo, nagkakamali, pumapalpak, nagkakamali ng desisyon. Tao lang kasi tayo.

Ngayon, desisyunan mo nang mahalin ang iyong sarili. Paano mo masisisgurong magagawa mo ito?

Simple. Palibutan mo ang iyong sarili ng mga taong totoong nagmamahal sa’yo. Tanggalin mo ang mga toxic na tao.

Isipin mo kung ano ang makakabuti sa’yo bago ang kapakanan ng iba. Kung baga sa halaman, tanggalin ang mga tuyong dahon para mas lumago ang mga berde. Alagaan mo ang iyong sarili – kahit pa medyo mahirap gawin ‘yon.

Mahalaga ang self-love dahil nakaka-motivate ito g positive behavior habang nababawasan ang harmful behavior.

Syempre, kahit mahalmo ang sarili mo, kailangan mo pa ring mag-take ng risk. So what kung magkamali? So what kung pumalpak? Pero sana naman, matuto ka sa pagkakamali mo.

Kapag mahal mo ang iyong sarili, uunahin mo ang mga pangangailangan mo. You’ll learn to give to yourself, and in doing so, you will develop into the person you strive to be. You’ll celebrate the beauty and freedom of being true to you, and you’ll gain a solidified sense of who you truly are