I REMEMBER ‘DABOY’

Meron akong favorite song, yung kay Joey Albert. ‘I remember the boy (but I don’t Remember the feeling anymore). Tuwing kakantahin ko ito, naa­alala ko si Rudy Fernandez na ang nickname ay Daboy. Parang Da King — Da Boy. Kasi naman, pang boy-next-door talaga ang kagwapuhan ni Rudy, na Rodolfo Valentino Padilla Fernandez ang tunay na pangalan. Rudolfo Valentino talaga, ha! Pangalan pa lang, pabling na.

Isinilang ang Filipino actor na ito noong March 3, 1952 sa Tondo, Manila. Younger brother siya ng sikat ba bomba star noong late 60s at early 70s na si Merle Fernandez.

Sumikat si Daboy sa mga action films noong 1980s at 1990s tungkol sa mga true-to-life stories ng mga kriminal.

Nagbida siya sa Markang Bungo (1992), Sa Iyo ang Tondo, Sa Akin ang Cavite (1986), Bitayin si Baby Ama (1976), at marami pang iba.

Galing siya sa pamilya ng actors.

Bukod kay Merle, film director ang kanyang amang si Gregorio Fernandez at actress naman ang kanyang inang si Pilar Padilla.

Maagang nag-artista si Rudy pero hindi siya agad sumikat. Yet, nang mabigyan ng pagkakataon, nanalo siya ng mga acting awards kasama na ang FAMAS.

Matagal siyang nakipag­relasyon kay Alma Moreno at naging anak pa nga sila ang isa ring mahusay na aktor na si Mark Anthony Fernandez, ngunit ang rival ni Alma na si Lorna Tolentino ang kanyang pinakasalan. Dalawa ang anak nila.

Mula nang ikasal sila, wala na sinumang naugnay kay Rudy, at nagsama sila hanggang dapuan si Daboy ng periampullary cancer noong 2007. Namatay siya noong 2008.

Masasabing isa talaga si Daboy sa mga hindi malilimutang artista sa Pilipinas.

Marami pang kwento tungkol sa kanya, na bihira ang nakaaalam, lalo na noong nagtangka siyang tumakbong mayor ng Quezon City,  ngunit saka na lang. Kapos ang space. Basta I remember ‘Daboy.’

RLVN