Magandang balita! Sabi ng oncologist mo, kumpleto na ang iyong cancer treatment at cancer-free ka na ngayon.
Natural lamang na magsaya ka at ang iyong pamilya, pero ano na? Okay na nga ba? Medyo nakakalito dahil celebration is certainly in order, this can mag-a-adjust ka sa mga susunod na buwan, or even years, dahil matagal din ang cancer treatments. Posibleng may side effects ang scans at lab reviews pati na ang mga gamot na inireseta ng oncology team. Sa transitionary period — Mula sa maraming medical intervention hanggang sa periodic check-ups — magkakaroon talaga ng kalituhan. Ano na? Okay na ba talaga?
Kaya bang bumalik sa dati — tulad nung wala ka pangncancer diagnosis?
Sabi ni Lalaine Cañete, MD, resident doctor ng Philippine Heart Center, kadalasang itinatanong ng mga pasyenteng nakakumpleto ng cancer treatment kung meron bang bawal na pagkain, at kung ano ang kanilang gagawin to stay healthy after cancer.
Itinatanong din nila kung bawal ang physical stress.
Aniya, ang oncology team na nagsagawa ng gamutan ang dapat tanungin kung anong pagkain at exercise plans ang bagay sa kundisyon ng pasyente, ngunit sa pangkalahatan, simple lang naman. Magkaroon ng balanseng pagkain.
Upang mabawi ang nawalang lakas at enerhiya, at upang makakilos ng normal after cancer treatment, imirerekomenda ng mga nutritionist ang building meals at mga prutas, gulay, whole grains, at proteins na mababa sa saturated fat tulad ng isda, karne, itlog, nuts, seeds, beans at iba pang legumes. Sa ganitong paraan, makukuha ang bitamina at nutrients na kailangan ng katawan, at mararamdamang kontrolado mo na ang iyong kalusugan, sa lahat ng punto ng survivorship.
Sa pagbili ng whole-grains foods, basahin ang labels upang makasiguro, lalo na sa pasta, bigas, tinapay, cereal at halins. Ang mga halimbawa ng whole grains ay brown rice, bigas-bukid, oats, popcorn (opo, whole grain ang popcorn!), barley, wheat, at iba pa.
Kung gusto nyo ng flavor sa inyong pagkain, foods, bawasan ang asin at butter. Gumamit na lang kayo ng paminta, bawang, sibuyas, kalamansi, luyang dilaw, ordinaryong luya, cinnamon, suka, sili at iba pang herbs.
Sabi naman ng mga dietitians, dapat ding kumain ng healthy high-fat foods upang laging busog ang pakiramdam.
Kumain ng avocado, olives, olive oil, walnuts, almonds, mani, salmon, tuna, buto ng kalabasa at iba pa.
Mas maganda kung bibili nito sa palengke, o kaya naman, magtanim na lang kayo. Minsan kasi, akala mo, healthy food ang nabili mo pero puro insecticide pala — na nagiging sanhi ng cancer dahil sa dami ng toxins.
Magdagdag rin ng anti-inflammatory food sa diet tulad ng Beets, berries, broccoli, cauliflower, mga talbos, kamatis, bell peppers, siling labuyo, kalabasa, red grapes at cherries. Lagi ring kontakin ang inyong oncology team para sa nutritional counseling.
Mag-exercise din araw-araw.
Dati, ipinapayo ng mga oncologists sa mga pasyenteng may cancer na umiwas sa physical activity. Ngayon, dapat raw magong physically active kahit simasailalim ng cancer treatment. Hindi naman sobra. Around 150 to 300 minutes per week of moderate intensity activity, tulad ng paglalakad, pagbibisikleta; o 75 to 150 minutes per week ng vigorous intensity activity tulad ng jogging o swimming; o kumbinasyon nito.
Ayon sa mga duktor, nakakabawas ito ng treatment-related fatigue at nam–maintain pa ang heart and lung fitness.
Nababawasan din umano ang anxiety and depression at nai-improve pa ang balance.
Nakatutulong din ito upang makaiwas sa atrophy, at nakaiiwas pa sa obesity. Nakakatulong din para makatulig ng maayos sa gabi.
Syemre, depende ito sa iyong health, ability at kung papayagan ng iyong oncology care team.
Ayon pa Kay Dr. Cañete, kahit naka-survive na ang pasyente sa cancer, walang kasiguruhang hindi ito babalik o magde-develop sa second cancer kaya kailangan ang ibayong pag-iingat.
JAYZL VILLAFANIA NEBRE