MAY 8,000 trabaho sa Taiwan ang iaalok sa mga Pilipino sa job fairs na idaraos sa Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Ayon kay Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman Silvestre Bello III, may 17 manpower agencies at employers sa Taiwan ang lalahok sa job fairs sa Laoag at Vigan sa September 9 at 11.
“Among the good news in these job fairs is that prospective hires will not be charged placement fees. There will be no deployment cost for the lucky job aspirants,” sabi ni Bello.
Idaraos ang job fairs sa Centennial Arena sa Laoag City, at sa Provincial Farmers Livelihood Development Center sa Quezon Avenue sa Vigan.
Ang mga trabaho ay nasa manufacturing sector.
Ayon kay Bello, walang placement fees para sa job applicants.
Ilan sa participating companies ang Grand Placement, FilSino, Everbest, City Employment, Sky Bourne, Jedegal, Bright Star, Jopman, EyeQuest, September Star, Tengllong, Workforce, World Trans, Gerdin, Mission Way, at food manufacturers IMEI Foods at Golden Brothers.
Pinapayuhan ang mga jobseeker na i-check ang website ng Department of Migrant Workers (DMW) para sa available jobs, at magrehistro online para sa job fair para sa evaluation at pre-qualification para sa mga bakanteng posisyon.
Ang fairs ay inorganisa ng DMW, Migrant Workers Offices sa Taiwan, provincial governments ng Ilocos Norte at Ilocos Sur, at ng local Public Employment Services Offices.