(Iaalok sa online job fair sa Labor Day) LIBO-LIBONG TRABAHO

Labor Secretary Silvestre Bello III-a

MAHIGIT sa  26,000 trabahong lokal at sa ibang bansa ang iaalok sa gaganaping online job fair sa Mayo 1, Araw ng Paggawa.

Hinihikayat ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga naghahanap ng trabaho na samantalahin ang online job fair na lalahukan ng 567 employers na nasa industriya ng manufacturing, business process outsourcing, health services, retail, at construction.

Mahigit sa 23,000 trabahong lokal na nangangailangan ng production operators, factory workers, customer service representatives, nurses, cashiers, baggers, masons, at carpenters ang iaalok ng 522 employers.

Samantala, may 3,000 trabaho sa ibang bansa ang bubuksan naman ng 45 employers. Karamihan sa bakanteng posisyon ay para sa mga nurse, factory worker, mechanic, nursing aide/ healthcare assistant, at cleaner.

Ang pinalawak na Trabaho, Negosyo, Kabuhayan Job and Business Fair ay gaganapin nang virtual bilang pagtalima sa ipinagbabawal na mass gathering at pamumunuan ng Bureau of Local Employment, DOLE Regional Offices, at ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) .

Ang mga aplikante mula sa Luzon ay maaaring mag-aplay gamit ang mga sumusunod na links:

National Capital Region (May 1) – https://jobquest.ph/

Cordillera Administrative Region (May 1) – jobstreet.com.ph/vcf21

Ilocos Region (May 1–2) – http://bit.ly/wb-dole1-reg

Cagayan Valley Region (May 1–5) – jobstreet.com.ph/vcf21

Central Luzon (May 1) – https://www.vantagehunt.com/

Bataan Province (May 14) – https://hotjobsbataan.com/

CALABARZON (May 1) – jobstreet.com.ph/vcf21

MIMAROPA (May 1) – jobstreet.com.ph/vcf21

Bicol Region (April 30 – May 2) – http://bit.ly/wb-dole5-reg

Sa Visayas, maaaring i-click ng mga interesadong aplikante ang mga sumusunod na links:

Western Visayas (May 1) – http://www.mynimo.com/dole6applicants

Central Visayas (May 1) – http://www.mynimo.com/dole7applicants

Eastern Visayas (May 1-3) – jobstreet.com.ph/vcf21

Maaari namang bisitahin ng mga naghahanap ng trabaho mula sa Mindanao ang mga sumusunod na sites:

Zamboanga Peninsula (May 1) – jobstreet.com.ph/vcf21

Northern Mindanao (April 30-May 1) – http://www.mynimo.com/dole10applicants

Davao Region (May 1) – https://facebook.com/DOLERO11

SOCCSKSARGEN (May 1) – http://bit.ly/wb-dole12-reg

CARAGA (May 1) – jobstreet.com.ph/vcf21

Ang online job fair ay isasagawa sa pakikipagtulungan ng JobStreet, JobQuest, Workbank, Vantagehunt, Mynimo, Hotjobs, Zoom, at ng Public Employment Service Offices (PESO) sa buong bansa.

Ang ika-119 taong selebrasyon ng Araw ng Paggawa ay may temang, “Mayo Uno sa Bagong Panahon – Manggagawa at Mamamayan: Babangon, Susulong”. LIZA SORIANO

2 thoughts on “(Iaalok sa online job fair sa Labor Day) LIBO-LIBONG TRABAHO”

  1. This is the perfect blog for anyone who wants to find out about this topic.
    You realize so much its almost hard to argue with you (not that I really would want to…HaHa).
    You certainly put a fresh spin on a subject that has been written about for ages.
    Wonderful stuff, just excellent!

Comments are closed.