(Iaalok sa special job fair sa Laguna) 4K TRABAHO PARA SA EX-POGO WORKERS

MAHIGIT 4,000 trabaho ang iaalok sa special job fair para sa displaced Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) workers sa Laguna province sa Biyernes.

special job fair ay gaganapin sa Activity Center ng Ayala Pavilion Mall sa Biñan City.

“For the job fair, there will be 60 local employers with some 4,383 job vacancies,” wika ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma sa isang telephone interview nitong Huwebes.

Kabilang sa mga trabahong iaalok ay production operators, cashier, sales clerk, warehouse crew at transporters.

Pinaalalahanan ng DOLE ang mga aplikante na na magsuot ng casual business casual attire at dalhin ang kanilang updated resume, ballpen, valid identification at iba pang pre-employment application requirements.

Nauna nang nagsagawa ang ahensiya ng special POGO job fairs sa mga lungsod ng Parañaque, Pasay at Makati, na inorganisa para sa mga manggagawa na apektado ng pagsasara ng nasabing mga kompanya. ULAT MULA SA PNA