NAKIKIUSAP Sina Ian de Leon, Boyet de Leon at Sandy Andolong na tigilan na ng mga Noranian si Lotlot de Leon dahil nananahimik na ito.
Ani Sandy, “Her love and respect for her mother did not, nor will ever change, that’s a fact.”
Naunang nagbigay ng suporta si Ian de Leon sa kapatid, at nagpadala rin ng inspiring message ang mag-asawang Christopher at Sandy hinggil sa pagiging adopted daughter ni Christopher at ng dati niyang asawa na si Nora Aunor. Biological son naman nila si Ian.
Sa pakiusap ni Sandy, “Tigilan na sana nila si Lotlot,” aniya. “Wala naman silang alam talaga sa mga pangyayari. We love inspite of, not because.”
Ayaw namang magsalita ni Nora Aunor tungkol kay Lotlot. – KAYE NEBRE MARTIN