NAKAGUGULAT ang pagkahumaling ng mga babae kay Ian Veneracion. Patunay ay ang pagtili at kilig ng mga kaba-baihan na may asawa at matandang dalaga nang mag-guest si Ian sa Petmalu concert ni LA Santos sa Music Museum last Monday night.
Sigawan, hiyawan at palakpakan ang sumalubong kay Ian nang biglang lumabas on stage. Ganoon din ang reaksiyon ng fol-lowers at fans ni Richard Yap noon. Pero ngayon ay tila nabaling na kay Ian ang karisma ni Mr. Yap dahil talagang hinintay ng mga kababaihan si Ian hanggang matapos ang concert ni LA para lang magpakuha ng picture.
Maging kami ay nagulat na magaling din palang kumanta si Ian. Bukod dito ay magaling ding maggitara ang aktor.
Tamang-tama ang pag-guest ni Ian sa concert ng binansagang Pop Idol na si LA dahil sigurado na bibili rin ang mga ito ng tick-et sa nalalapit na concert niya sa Resorts World Manila on May 13, entitled “Ian in 3 Acts”
Masayang-masaya si LA, lalo na ang producer na si Joed Serrano, sa outcome ng show.
“Well, at least hindi ako nagkamali. LA is a promising personality. ‘Di biro ginawa niyang pagsabay sa mga guest niya and the confidence onstage ay magaling. We now need a hit song and that is “Tinamaan.”
“Next move is to do an album tour. Campus and mall tour while i-sho-shoot ang movie na introducing siya at ang title ay ‘yung song niya,” say ni producer Joed Serrano.
SUNSHINE CRUZ ‘DI NA MAPIGILAN
ANG PAGPASOK SA SHOWBIZ NG ANAK
HINDI na mapipigilan ni Sunshine Cruz na pasukin na rin ng kanyang anak na panganay na si Angelina ang pagkanta. Hindi naman nakagugulat dahil nasa lahi ng mga Cruz ang mga mang-aawit kaya ‘di malayong maging singer din ang panganay nilang anak ni Cesar Montano.
Natuklasan ang ganda ng boses ni Angelina nang mag-duet sila ng kanyang inang si Sunshine sa show ni Regine Velasquez sa GMA 7 nang awitin nila ang Fools Rush In. Hindi kami magtataka kung papirmahin ng kontrata si Angelina ng recording company.
Pero gaano katotoo na nang lumipat ng GMA 7 si Sunshine Cruz at pumirma ng kontrata ay pinigilan at sinabihan siya na hindi na siya puwedeng bumalik sa ABS-CBN kapag lumipat siya ng network?
Anyway, tila binalewala ito ni Sunshine (kung totoo nga sinabihan siya na hindi na puwedeng bumalik sa Dos) dahil busy na ito ngayon sa taping ng bago niyang serye sa Kapuso Network.
JOHN LLOYD CRUZ PINALITAN NA BILANG ENDORSER NG GAMOT
NAKALULUNGKOT naman na tuluyan nang pinalitan si John Lloyd Cruz bilang endorser ng gamot sa lagnat. Ang naturang product ay matagal nang iniendorso ni Lloydie at ang sabi ay ang talent fee niya rito ay isa sa biggest earning ng actor.
Recently nga ay si Jodi Sta Maria na ang endorser ng dating gamot na iniendorso ni Lloydie.
Dahil matagal-tagal na ring hindi nagpaparamdam si Lloydie sa showbiz, inaabangan kung alin pa sa mga inendorso ng actor ang mapapalitan, unless na tapos or expired na ang kontrata ng actor sa mga iniendorso nitong product.
Anyway, usapan pa rin hanggang ngayon ang panganganak ng kambal ni Ellen Adarna na si Lloydie ang ama. Tanong pa rin ng mga nagmamahal sa dalawa kung totoo ba ang lahat ng mga naglabasang isyu?
Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring ibinibigay na statement sina Ellen at John Lloyd sa naturang isyu. Ang sigurado lang ay masaya ang dalawa at walang pakialam kung anuman ang mangyari sa kanilang showbiz career.
Comments are closed.