IAS INAMIN ANG ‘BOKYA’ PERFORMANCE

Alfegar Triambulo

CAMP CRAME – INA­MIN ng Philippine National Police Internal Affairs Services (PNP – IAS) na halos zero performance sila dahil 30% lamang ng kanilang rekomendasyon laban sa mga iniimbestigahan at nagkakasalang pulis ang naipatutupad.

Ayon kay PNP-IAS Inspector General Alfegar Triambulo, ito ang isa sa dahilan kung bakit ninanais nilang maging independent mula sa PNP chain of command.

Dagdag pa ni Triambulo, nakakadismaya man, subalit nais niyang aminin na ang nasabing porsyento o nabanggit na bilang ay lumiliit pa dahil may mga  ilan pa sa mga ito ang na-reverse o nababago pa.

Paliwanag ni Triambulo, nilikha ang IAS noong panahon ni da­ting Pangulong Joseph Estrada para tumayong watchdog o tagapagbantay laban sa mga maling gawain sa PNP organization habang hindi pa naipatutupad ang reorganization ng NAPOLCOM.

Mayroon aniya dapat kapangyarihan ang IAS na magdisiplina ng mga tiwaling pulis subalit hindi ito naipatupad.

Nakalulungkot din aniya na walang sariling pondo ang PNP-IAS. EUNICE C.