CAMP CRAME – ISINUSULONG ng Internal Affairs Service (IAS) na nag-iimbestiga sa kanilang mga kabaro na sangkot sa ilegal na aktibidad na maging independent mula sa Philippine National Police (PNP).
Ayon kay IAS Director, Atty. Alfegar Triambulo, hindi sila kagaya ng kanilang foreign counterparts na kinatatakutan dahil nakahiwalay ang mga ito sa police organization.
Wala rin aniyang kapangyarihan ang IAS na protektahan ang mga testigo laban sa mga tiwaling alagad ng batas dahil kasong administratibo lamang ang kanilang hinahawakan at hindi criminal complaints.
Pahayag ni Triambulo na hihilingin nila sa Senado na bigyan sila ng kapangyarihan na protektahan ang mga witness na pinipiling magtago na lamang at huwag ng magsalita dahil hina-hunting umano sila ng inirereklamong pulis.
Ginawa ni Triambulo ang pahayag kasunod ng pagbibitiw ni Police General Oscar Albayalde na inakusahang nakialam sa kaso ng 13 pulis na sangkot sa pagre-recycle ng droga noong 2013. EUNICE C.
Comments are closed.