NAGLABAS ang Games and Amusement Board (GAB) ng mahigpit na mga panuntunan na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Diseases, alinsunod sa Joint Administrative Order (JAO) 2020- 0001 na binuo ng GAB, Philippine Sports Commission (PSC) at Department of Health (DOH) para sa boxing at iba pang combat sports.
Ayon kay GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, ang professional boxing, mixed martial arts, Muay Thai at kickboxing events promotions ay pinapayagan na sa bansa matapos na aprubahan ng IATF ang ipinasang programa sa JAO.
“Ang professional boxing/MMA/Muay Thai/Kickboxing events/promotions ay pinapayagan sa mga lugar ng LGUs na nasa ilalim ng Modified General Community Qurantine (MGCQ),” pahayag ni Mitra.
“Kailangan pong dumalo ng COVID-19 Basic Inspection Control and Safety seminar upang makakuha ng Permit sa GAB. Ang seminar po ay inorganisa ng GAB sa online, tuwing Miyerkoles sa ‘Kumustahan sa GAB’. Lahat ng may lisensiya ng GAB ay kinakailangang um-attend ng seminar.
Sinabi pa ni Mitra na matapos ang pagdalo sa seminar, kailangang maisumite sa GAB ang mga sumusunod:
- a) Sulat para sa pormal na paghingi ng GAB permit, kung saan binabanggit ang lokasyon ng event/promotion.
- b) Kumpletong fight card na pirmado ng promoter at matchmaker.
- c) Eksaktong numero at listahan ng mga taong kasali/kasama o dadalo sa professional Boxing/MMA/Muay Thai/Kickboxing event/promotion, nakasulat ang kanilang pangalan, address, numero ng telepono (dapat kasama rin sa listahan ang lahat ng kasamang lisensiyado ng GAB, Boxers/Fighters, Seconds, Officials at Miyembro ng Promoter’s Team, kasama na ang itinalagang health and safety officer).
- d) Kinakailangan ng health permit clearance/s sa bawat kasali/kasama galing sa LGU at kailangang i-secure bilang parte ng mga kinakailangang isumite sa GAB.
Limitado sa limang laban ang pinapayagan ng JAO/IATF sa kada promosyon at ipinagbabawal ang live audience/
“Hindi po pinapayagan ng JAO 2020-0001 ang interzonal movement/travel (pagbiyahe) ng mga kasali/kasama na magmumula o mangagaling sa lugar/LGU na may mas mataas ng risk categories kagaya ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) o General Community Quarantine (GCQ) papunta sa lugar ng professional Boxing/MMA/Muay Thai/Kickboxing event kung saan ay may mas mababang category na Modified General Community Quarantine (MGCQ),” paliwanag ni Mitra.
Ipinatutupad din ng GAB ang health and safety protocols tulad ng mga sumusunod: Zoning/floor plan ng venue; markings sa venue; kondisyon na ligtas ang venue (may tamang bentilasyon, may bintana, may hanging nakakadaloy nang maayos, etc.); naaayon sa kalusugan at ligtas na mga kagamitan (kaayusan at posisyon ng mesa para sa GAB officials o ring officials, etc.); pagsiguro ng lugar o pasilidad o hotel para sa quarantine kung saan responsibilidad ito ng promoter (mga kuwarto na naka-design ay dapat isumite at ipakita sa team para tingnan at pag-aralan).
Para sa karagdagang detalye, hiniling ng GAB sa lahat ng direktang sangkot sa industriya na makipag-ugnayan sa tanggapan ng ahensiya.
Comments are closed.