TINIYAK ni Energy Sec. Alfonso Cusi na may iba pa silang energy resources na mapagkukunan bukod sa Malampaya power plant.
Sa budget hearing ng DOE sa House Committee on Appropriations, natuklasan na 50% ng power generation ng bansa ay dependent sa Malampaya.
Tinanong ng mambabatas kung may ibang mapagkukunan ng enerhiya para mapanatili ang energy sustainability at security sa bansa na makatutulong para maiwasan ang patuloy na pagtaas ng singil sa koryente at langis.
Ayon kay Cusi, isa sa kanilang sinusuri ngayon na mapagkukunan ng energy source ay sa Alegria, Cebu na nakakapag-produce ng langis bagamat hindi kasing laki sa Malampaya ay makatutulong pa rin ito sa bansa.
Maliban dito, lahat ng exploration area mula Isabela hanggang Mindanao ay kanilang inaaral at sinisilip para sa iba pang energy source.
Samantala, gumagawa naman ngayon ng paraan ang Energy Department para mapababa ang coal dependence ng bansa upang mabawasan ang epekto ng TRAIN Law sa publiko bunsod ng mataas na excise tax na ipinataw sa coal.
Target ng ahensiya na sa loob ng limang taon ay maaalis na ang coal dependence ng bansa at mas pagtutuunan ang ibang fuel technology. CONDE BATAC
Comments are closed.