IBA PANG ‘KILLER LAMBANOG’ POSIBLENG UMIIKOT PA RIN SA MERKADO

FDA officer-in-charge Eric Domingo

MULING nadagdagan ang samples ng mga lambanog na nagpositibo sa mataas na antas ng nakalalasong me­thanol, ayon sa Food and Drug Administration nitong Biyernes.

“Nakakuha pa tayo ng samples from PNP (Philippine National Police) na isinumite sa mga regulatory officers ka­makailan. Five out of 5 na samples talagang mataas din ‘yung methanol content,” lahad ni FDA officer-in-charge director Eric Domingo.

Sa huling ulat, 17 na ang patay matapos makainom ng lambanog na ginawa sa Batangas, na labis-labis ang taas ng methanol content.

Pangamba ni Domingo, maaaring mayroon pang umiikot na toxic lambanog sa ilang lugar.

Dahil nakalagay lang sa bote ng tubig ang mga ito, napakadaling pagkamalan na tubig ang lambanog at mainom lalo na ng mga bata.

Ang ibang sample pa nga, nakalagay lang sa bote ng lechon sauce kaya naman patuloy na naghahanda ang mga ospital sa pagdami pa ng mabibikti-ma nito.

“Puwede talaga in the next few days may darating pa na pas­yente.

So nagre-ready ‘yung hospitals natin to treat… Sa PGH (Philippine General Hospital) mag-i-import pa tayo ng mga gamot, mayroon pa tayong mga antidote na darating,” sabi ni Domingo.

Pero nilinaw pa rin ng FDA, hindi naman bawal uminom ng lambanog basta’t rehistrado sa ahensiya ang gumawa nito.

Ilan sa mga palatandaan ng rehistradong lambanog ay may maayos na label na nakasaad ang ingredients, alcohol con-tent, batch number, at maging ang lugar at petsa ng paggawa.