IBA PANG OFW LOUNGE SA NAIA PINAMAMADALI NA NI SPEAKER ROMUALDEZ

MATAPOS  mabuksan ang OFW lounge sa NAIA Terminal 1 ilang buwan na ang nagdaan, pinapamadali na rin ngayon ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbubukas ng mga OFW lounge sa NAIA Terminal 3 at Terminal 2.

Ito ang kinumpirma ni Overseas Workers Welfare Administrator (OWWA) Arnel Ignacio kamakailan.

Aniya, “successful ang OFW lounge sa terminal one dahil laging puno ito kaya gusto ni Speaker Romualdez magbukas na rin kami sa NAIA 2 at 3”.

“Pondo ng Office of the Speaker ang ginamit sa unang lounge at sabi nya siya na rin bahala sa iba pang lounge”, ayon kay Administrator Ignacio.

Dagdag pa ng OWWA chief, “hindi lang sa NAIA terminals magtatayo tayo ng lounge dahil gusto ni Speaker lagyan din sa iba pang mga airport tulad sa Cebu at Davao”.

Sa isa namang panayam sinabi ni Romualdez na ito ang gusto ng Pangulo. “Gusto kasi ng Pangulo na bago lumipad pabalik sa trabaho ang mga OFW natin, ay makapag- relax sa mga lounge dahil mahaba ang biyahe nila”, ayon kay Romualdez.

“Building these OFW lounges is our way of thanking our OFW dahil sa malaking tulong nila sa ekonomiya natin”.

“At hindi lang ito ang tulong ng administrasyon sa kanila, marami pa”, pahabol ni Romualdez.