HINDI lamang ang Boracay ang dapat na bigyan ng atensiyon ng pamahalaan kundi maging ang iba pang tourist destination sa bansa na kinakailangan din isailalim sa rehabilitasyon.
Ito ang inihayag ni Senadora Nancy Binay, chairman ng Senate Committee on Tourism kasunod ng muling pagbubukas ng Boracay makaraang ang anim na buwang pagsasaayos.
Ani Binay, binanggit ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat na nagkakaroon din ng problema sa El Nido sa Palawan at Panglao Island sa Bohol.
Iginiit nito, ang pangunahing dapat pag-aralan ay ang kapasidad o bilang ng mga turista na kayang tanggapin sa iba pang lugar na dinarayo sa bansa para hindi ito masira.
Idinagdad pa ng Senadora, mas mainam na gawin din sa iba pang tourist detinations sa bansa ang malinis, napakaganda at napakaluwang ng kondisyon ngayon sa Boracay.
Comments are closed.