IBABALIK BAKUNA NG DENGUE?

doc ed bien

MAGHUNOS dili nga kayo! May umaali­ngawngaw na naman at ipinakakalat na balita na may mga grupong gustong ibalik ang bakuna ng dengue sa harap ng pagtaas ng insidente ngayong tag-ulan. Kesyo wala raw namang napatunayang namatay mula sa bakunang iyon.

Fake news! Hindi n’yo ba naaamoy na ginagamit ang takot sa publiko para mapagtakpan ang mga nagkasala at maituloy ang kitaan kasehodang malagay muli sa peligro ang mga batang mahihirap?

Matuto na po tayo. Panawagan sa ale at da­ting kinatawan ng DOH – tigilan n’yo na ho. Hindi pa ba kayo nakokonsensiya sa iyak ng mga magulang na namata­yan ng anak matapos ninyong pabakunahan? At sinasabi ninyo na wala namang ebidensiya na namatay sila dahil sa bakunang inyong pinagkakitaan? Eh dahil nga sa mahirap sila kaya sila lumapit sa PAO para mag­hain ng demanda. Kayo kaya at inyong mga kaalyado sa politika ang unang paturukan?

DENGUE STATISTICS

DENGUE-9Panahon na naman ng matinding pagbuhos ng ulan. Naitala na may 106,630 kaso ng dengue mula Enero hanggang Hunyo nitong 2019.  456 na ang namamatay. 85% na mas mataas ito kum­para last 2018. Ang kadalasang apektado ay mga batang nasa edad 5 to 9 year old. Pinakamarami ang kaso sa Iloilo, Capiz, Aklan, Antique at Guimaras.

Itinalaga ng Department of Helath (DOH) ang Hunyo bilang Dengue Awareness Month. Pero dahil napapatungan ng mga samu’t saring balita sa social media, gaya ng alitan kuno sa bansang Tsina at hiwalayang Gerald at Bea, ay nalimutan na nating susugan ang may akda ng pagkamatay ng maraming bata dahil raw sa bakuna.

Ngayon ay guma­gawa muli sila ng ingay para ibalik ito? Binigyan ng approval ng FDA dati ngunit binawi rin nitong Pebrero. Bakit binawi kung hindi naman pala delikado? Ang tanong, “Nasaan na ang hustisya?”

ANG DENGUE AYON SA DOH

DOH declared a National Dengue Alert due to the rapidly increasing number of cases observed in several regions. In coordination with the National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), “code blue” alert is activated. With the last peak occurring in 2016, given a 3 year pattern, the DOH expects an increase in cases this year.

Dengue is a viral disease with no known vaccine or specific antibiotics. Signs and symptoms of disease are severe headache, pain behind the eyes, severe joint and muscle pain, fatigue, nausea, vomiting, and skin rashes. The most effective way to prevent dengue is still the 4S strategy – Search and destroy mosquito breeding places, Self-protective measures like wearing long sleeves and use of insect repellent, Seek early consultation on the first signs and symptoms of the disease, and Say yes to fogging if there is an impending outbreak. Ayan ha, kayo na mismo ang nagsabing walang tunay na bakuna o antibiotics para dito.

KILALANIN ANG DENGUE

DENGUE-10Sa buong mundo, 390-M katao bawat taon ang tinatamaan ng dengue. 9.75M o 25% ng mga infected ng dengue ay namamatay. Ang mga unang sintomas ay nakikita 5-8 araw pagkatapos makagat. Ang malalang warning signs ay nakikita 3-7 araw pagkatapos lumabas ng unang sintomas.

Panimulang Sintomas ng Dengue:

  • Pagkakaroon ng lagnat (40°C)
  • Malalang sakit ng ulo
  • Pananakit sa likod ng mata
  • Skin rash
  • Pagkahilo at pagsusuka
  • Pananakit ng muscles at joints

Malalang Sintomas ng Dengue or DHF

(Dengue Hemorrhagic Fever)

  • Pagsusuka na may kasamang dugo
  • Hirap sa paghinga
  • Malalang pananakit ng tiyan
  • Pagdurugo ng ilong
  • Balisa o kombulsiyon
  • Pamumutla at pagkahilo

GUNITAIN MGA BATANG NAMATAY

GUNITAINSabi ng naturang ale at kaniyang mga kasamahan ay wala namang nasawi matapos nilang bakunahan ang mga bata kahit walang pahintulot ng magulang. Kahit wala silang ginawang tests para malaman kung nagka-dengue na dati ang mga pupils sa elementarya. Hala sige, turok dito, turok doon. Matapos ang ilang linggo, narito na ang mga magulang na umiiyak.

“Pumasok po siya ng October 11 ng school. Nu’ng tanghali po dumaing po siyang masakit ulo niya. After 2 weeks po sumakit na ang tiyan niya. Namatay po si Christine matapos ang 4 na araw,” malungkot na pagsasaad ng amang si Nelson.

“Noong October po ay nagkasakit si Anjelica. Noong November ay naospital na siya sa East Avenue. At December namatay na po,” ayon kay Mrs. Pestilos, ina ng bata.

Isinisisi ng pamilyang Colite ang pagkamatay ng anak na si Zandro sa bakuna. Dating malusog ngunit namatay noong December 27 dahil umano sa hemorrhage o pagdurugo sa baga.

Sa San Pablo, Laguna, hinukay at sinalang sa forensic examination ang bangkay ng 10 anyos na si Lenard Baldonado, na naturukan ng bakuna noong Nobyembre 9. Natuklasan ang matinding hemorrhage o pagdurugo sa atay, baga, puso, at utak ng binatilyo.

Nagluluksa rin ang amang si Jeffrey Alimagno dahil sa pagkamatay ng kaniyang 13-anyos na anak na si Rei Jazztine dahil umano sa dengue shock syndrome noong Enero 3. Hindi pa ba sapat iyan? May mga pangalan at larawan ng mga batang pumanaw.

PAG-IWAS SA DENGUE

Muli, wala pang tunay na gamot o antibiotic para sa dengue virus. Hindi naman aprubado ang mga bakuna. Para sa simpleng dengue fever, nakatutok ang paggamot sa pagpapahupa ng mga sintomas. Hydration o pagbibigay ng sapat na likido sa katawan ang isang paraan para ang kumplikasyon ay maiwasan.

Sa bahay, maaaring maglagay ng mga halamang cintronella sa pali­gid. Siguraduhing walang mga lalagyan ng tubig na nababahayan ng lamok. Itaob ang mga lalagyan palagi at siguraduhing tuyo ang mga ito. Guma­mit ng mga kulambo o insect lamps. Makabubuti ang screen sa mga bintana at pinto. Sa eskuwelahan naman, ay gumamit ng mosquito patch o anti-mosquito spray. Pagsuotin ng mahabang medyas ang bata. Ibilin sa bata na lumayo sa mga kanal o anumang stagnant water, lalo sa hardin at playground.

*Quotes

“Primum non nocere – First do no harm.”

Hippocratic Oath na sinusumpaan ng lahat ng Doktor

oOo

Salamat po sa pagsubaybay sa ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalusugang Ka-BILIB or text sa (0999) 414 5144 or visit our Facebook account: lebien wellness specialists. God bless dear readers!

 

 

Comments are closed.