INIHAYAG ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na simula sa Linggo ito ay ibabalik ang number coding sa National Capital Region (NCR) na sinangayunan naman ng Metro Manila mayors.
Ayon sa pahayag ni MMDA Chairman Benhur Abalos pinirmahan ng mga Metro Manila mayors ang isang resolusyon ang pagbabalik ng number coding scheme tuwing rush hour mula ala- 5 ng hapon hangang alas-8 ng gabi.
Sa pahayag ni Abalos ang implementasyon ng number coding ay tuwing weekdays lang.
“The number coding scheme will be implemented any day this week during rush hour in the afternoon,” pahayag ni Abalos.
Ayon pa kaya Abalos, ang number coding system ay para lamang sa mga pribadong mga sasakyan.
Sinabi pa nito na exempted sa number coding ang mga public utility vehicles, Transportation Network Vehicle Services (TNVS), motorcycles, garbage trucks, fuel trucks, motor vehicles na may dalang perishable goods.
Ang mga TNVS, ayon kay Abalos ay bibigyan ng mga stickers upang hindi sila mapagkamalan na mga pribadong sasakyan.
“We (MMDA) are in coordination with the TNVS on the implementation of rules and regulations regarding this concern,” ayon pa kay Abalos.
Dagdag pa ni Abalos na ang implementasyon ng uniform light trucks ban sa EDSA at Shaw Boulevard ay uumpisahan ulit ngayon Linggo.
Matatandaang sinuspindi ang number coding matapos na ang mga transportasyon ay naging limitado dahil sa COVID-19 pandemic. MARIVIC FERNANDEZ