Simpleng tao lang si Fermin Guevarra na nagmula rin sa simpleng pamilya. Nagsikap mag-aral sa Guzman Institute of Technology College at nakatapos naman.
Tulad ng ibang bagong gradweyt noong 1981, napudpod din ang kanyang sapatos sa paghahanap ng trabaho, ngunit kalauna’y nagkatrabaho rin sya. Makaraan ang ilang taon, natanggap siya sa Kelvion, isa sa mga nangunguna sa mundo bilang heat exchanger, at nagbibigay ng solusyon sa halos lahat ng industrial application mula pa noong 1920s. Na-assign si Emin sa Doha, Qatar bilang Technical Supervisor mula 2006 hanggang sa kasalukuyan.
Sa trabaho niya, naipapadala siya sa iba’t ibang panig ng mundo. Nakapasyal na, libre pa.
RLVN