Maagang nagretiro si Felicisimo Barcelon, Jr. a.k.a Jun. Nagtrabaho siya ng napakaraming taon bilang Senior Content Specialist sa Carlswell, Thompson Reuters Business ngunit sa totoo lang, nagtapos siya ng Dentistry in Centro Escolar University. At pumasa pa sa board examinations!
For a time, naging municipal dentist siya, at sa totoo lang, kuntento na sana siya sa buhay, ngunit may mga challenges na kailangan niyang lagpasan, kaya napilitan siyang mag-migrate sa Toronto, Ontario sa Canada. Pinasunod niya ang kanyang misis na isa ring dentista, at doon na isinilang ang kanilang nag-iisang anak.
“Hindi ko naman pangarap maging dentist,” ani Jun, “pero noong araw, parents ang pumipili ng kukunin nating kurso. At dahil hindi ko rin naman alam noon kung ano ang gusto ko, hinayaan ko na lang.”
At naging mahusay na dentist nga siya — sa Pilipinas.
Ngunit iba sa Canada. Kakailanganin pa niyang mag-aral uli para magamit ang kanyang propesyon — at kailangan niya ng pera para makatulong sa pamilya. Kaya kahit ano na lang trabaho, pinasok niya. Kesehodang mahirap, at kesehodang hindi siya sanay. Katwiran niya, wala siya sa Pilipinas. Sa abroad, survival of the fittest.
Hanggang isang araw, natanggap siya sa Reuters Business. Dude pa siya dito dahil wala siyang kahit anong training sa journalism, ngunit bilang isang devout Catholic, naniniwala siyang tutulungan siya ng Diyos, kaya sige lang!
At natagpuan niya ang kanyang true love, ang photography.
Akalain mo yon! Kuntento na siya sa pagiging simpleng dentista, pero may iba pa pala siyang talent. Salamat sa Reuters!
Nagretiro siya noong 2023 at balak niyang i-enjoy ng husto ang kanyang buhay.
“Habang kaya pa ng tuhod,” ani Jun. “Ang tagal kong nagtrabaho ng wala halos pahinga. Ngayong okay na ang anak ko, it’s time for me to enjoy life, finally.”
RLVN