(Ibang-Iba ang Pinoy) ALONE AGAIN

Loner si Victor Vivo mula pa noong bata pa siya, ngunit hindi ito malaking problema para sa kanya. Meron siyang special set of friends na alam niyang kasama niya at kasangga.

Nagtungo siya sa Chicago noong 1977, bago pa niya natapos ang high school,  at mula noon, hanggang sa kasalukuyan, ay nasa United States pa rin siya — isang US citizen. Doon na rin siya nagkaasawa at nagkaanak.

Sandaling naging makulay ang paligid dahil sa pag-ibig, ngunit nauwi ito sa diborsyo. Ngayon? Single again. Nag-iisang naninirahan sa kanyang tahanan sa La Grange, Illinois, dahil may pamilya na ang mga anak.

Hindi ang diborsyo ang pinakamasakit na pangyayari sa kanyang buhay, kundi ang pagpanaw ng kanyang ama at ina na naging kakampi niya sa panahong wala siyang masandigan.

“We always pray on daddy’s death anniversary which is August 9,” ani Vic. “I miss him and he will always be in my heart.”

Sa pagpanaw ng kanyang amang naging bedridden sa matagal na panahon, natutok ang kanyang atensyon sa kanyang ina, si Mommy Belen. Dahil retired na rin naman si Vic at nasa maayos na estado na ang mga anak, siya ang natokang mag-alaga sa kanya (sa tulong ng isang caregiver) sa US. Ngunit nawala rin ito. Iniuwi nila ang mga labi ni Mommy Belen sa Pilipinas upang doon ilibing, dahil ito ang huli niyang kahilingan.

“She’s finally home now,  tulad ng gusto niyang mangyari,” saad ni Vic.

Victor — tagumpay! Noon at ngayo’y laging nakangiti, ngunit sa puso, nakaukit ang pait ng mga naunsyaming pangarap at iniwang pag-ibig na ayaw na niyang i-elaborate.

RLVN