(Ibang-Iba ang Pinoy) BEAUTIFUL INSIDE

Yung photo ni Ilys Cantada, 41 years old totoo yan, walang filter. May make-up, yes, dahil isa siyang magaling na make-up artist sa Doha, Qatar.

Around 20 years na siyang nagtatrabaho sa nasabing bansa kasama ang asawang si Joseph John Ularte, kaya ang tatlo nilang mga anak ay doon na rin isinilang, lumaki at kasalukuyang nag-aaral.

Aminado siyang hin­di laging masaya ang buhay, lalo pa at napakalayo niya sa Pilipinas.  Salamat na lamang at magkakasama nga sila ng kanyang pamilya. Kapag may problema, mas malakas daw ang loob ni Ilys kaysa kay Joseph.

“Wala kami sa Pilipinas,” ani Ilys. “Kung mahina ang loob mo, paano ka magsu-survive? Walang tutulong sa amin kundi kami-kami rin — wala kaming kamag-anak dito.”

Ayon naman kay Joseph, “Ilys is always the source of my strength, my loving wife. I’m so thankful (to God) that she’s always there for our family. I pray hard to God to keep her safe, so that we can always make fond memories with our three angels. I don’t know how to survive without her.”

Ang sweet naman, sana all.

Si Ilys ang epitome ng tunay na magandang babae, sa loob at sa labas. Magandang mukha, magandang kaloobang han­dang tumulong sa nangangailangan sa abot ng kanyang makakaya, at mapagmahal at maalagang ina at asawa.

RLVN