(Ibang-Iba ang Pinoy) BLOOD IS THICKER THAN WATER

Kalalabas lang ni Rene Gonzales sa ospital at kailangan niya ng matagal na rehabilitasyon para makabalik sa dating aktibong buhay. Nagkataon pa naman papalamig na ang klima sa Japan dahil malapit na ang Kapaskuhan. Okay lang. Ang mahalaga, nalusutan niya ang malaking hamon sa kanyang buhay. Ligtas na siya at nagpapagaling na lamang.

Sa edad na 66, araw-araw daw siyang nagpapasalamat at nag-a-appreciate sa bawat magagandang bagay na dumarating sa kanyang buhay.

At thankful din siyang may mga kapatid siyang malalapit sa kanya at sa kanyang pamilya. Hindi niya sinasabing perpekto ang kanilang relasyon bilang magkakapatid dahil nagkakaroon din sila ng hindi pagkakaunawaan, ngunit laging nananaig ang kanilang relasyon — ang pagiging magkakapatid.

Ang magkakapatid, mag-away man, laging magkakabati pagdating ng araw, ani Rene. Blood is thicker than water, dagdag pa niya.