“Kalimera se olous! (Good day to all of you). Sino ang gustong sumama sa paralia alykes Drosia, Xalkida (Alykes Beach, Drosia, Hallida) para makapag-chillax-chillax din pag may time. I-enjoy natin ang buhay. We only live once.”
Yan ang panawagan ni Malou Palo, taga-Calaca, Batangas, ngunit mahigit nang tatlong dekadang nakatira sa Athens, Greece.
Kasi naman, para sa kanya, oo nga at nasa abroad ang pera, pero nasa Pilipinas naman ang saya, kaya naman kapag may pagkakataon, umuuwi talaga siya sa Calaca.
May isa lang siyang problema kapag umuuwi: akala ng lahat ay marami siyang pera kaya nakapila ang mga mangungutang.
“Maawain naman ako kaya kung kaya ko rin lang, e di sige,” ani Malou. “Kaso, karamihan sa kanila, nag-TNT (tago ng tago) matapos makautang. Kung makita mo naman, galit pa pag siningil — ikaw pa ang masama ang ugali. Akala siguro nila, namumulot lang kami ng pera sa abroad. Pinaghihirapan po namin yung inutang ninyo, kaya sana, magbayad na. Nakahiya na kasi maningil.