Hindi lahat ay sinusuwerte sa pag-aasawa, lalo na kung ang napangasawa mo at isang foreigner.
Ngunit iba si Yolanda Olanio Hodgins ng Adelaide, Australia.
Nagtapos siya ng Journalism sa Lyceum of the Philippines, ngunit naging registered nurse upang makapamuhay ng maayos sa Australia, kung saan hindi inaasahang nakilala niya at minahal ang lalaking bigay ng Maykapal na makakasama pala niya habambuhay.
Hindi madali ang adjustment at matagal din bago nila nahuli ang ugali ng isa’t isa, ngunit minsan man ayhindi pumasok sa isip nila ang diborsyong usong uso sa Australia.
“I’m a spirit filled Christian,” ani Yolly, kaya siguro kahit sa kabila ng mga dinanas nilang pagsubok ay naging matatag ang kanilang pagsasama.
“Good thing is, we grew old together, that’s why we stay together until now,” dagdag pa niya. “Hindi na namin alam mabuhay na hindi magkasama.”
Sabi pa ni Yolly, “Buhay sa ibang bansa, Iba talaga. Kung puwede lang sama-sama kahit malalaki na ang mga bata.
Ang kultura kasi dito sa Australia, pag may-isip na ay mag-move out na.
Masaya dahil maganda na ang trabaho nila, pero malungkot kasi wala nang ingay sa bahay. Empty nest syndrome – sino nakaka-relate?”
Kamakailan, nagdiwang sila ng kanilang wedding anniversary at ginanap ito sa Italy.
“It is unthinkable to leave Venice without a snapshot of us in a gondola and I must say, David Hodgins – he looks dashing, with his stylish hat. A beautiful experience indeed,” pagmamalaki pa ni Yolly sa gwapong asawa.
Nakatutuwang malamang totoo palang may forever.
RLVN