(Ibang-Iba ang Pinoy) HAPPY BIRTHDAY TO ME

Birthday ni Norlyn Zaragoza de los Reyes sa October 17. Not yet a senior citizen, pero feeling fulfilled. Naniniwala siya sa kasabihang, “Love the life you live. Live the life you love.”

Matagal na siyang kasal kay Erick delos Reyes na mas matanda sa kanya ng ilang taon. Naninirahan sila sa Ontario, Canada.

“It’s always a wonderful day having birthday ce­lebrations with Family and Friends,” ani Norlyn na isang Certified Public Accountant na nag-graduate sa De La Salle University Taft. Ngunit hindi iyon sapat nang magtungo siya sa Canada kaya nag-enroll siya sa Ontario noong 2011.

“Certified General Accountant ako dito, katumbas ng CPA dyan sa atin. Dito kasi hindi inohonor yong license na nakuha sa ibang bansa. Kaya kung gusto ko mag-practice dito, dapat mag-aaral ulit ako dito at makapasa sa exam nila,” aniya.

Sa kabila ng edad, child at heart talaga si Norlyn, being the youngest of two girls. Ini-enjoy niya lahat ng fa­mily parties, lalo na ang mga birthday.

Kamakailan, ikinasal ang kanyang pamangkin. Nag-travel all the way from Australia, Canada and Pomona CA ang mga dumalo sa kasal.

“We enjoyed various dining experiences and engaged in activities such as visiting San Francisco, bouldering, and a mini-vacation in South Lake Tahoe. During our stay, we visited scenic viewpoints, the lake, restaurants, shops, biking and even a casino.

Most importantly, we cherished the opportunity to spend quali­ty time together, even though it was for a brief period,” kwento pa niya.

But some good things never last kaya matapos kasal, umuwi rin sila sa Canada, umaasang isang araw, mauulit ang kasayahang ito.

Ngayong birthday niya, siguradong may handa.

“I look forward to the next time we can gather and create more wonderful memories together,” dagdag pa niya.

RLVN