(Ibang-Iba ang Pinoy) HAPPY LOLA’S DAY

It is always about my 3 pumpkins. To my fellow Lolas, the happiest stage of life is when they are with their grandchildren. Tulad ko. This is also the time when I would rather retire, fast-forward to be 62, and become a full-time Lola for life.

I love these boys! Nothing can beat it when they say Ayayu Yaiyai! That is Lola to them.

Para sa kanila, pinag-aralan kong gumawa ng hotcake na paboritong paborito nila kahit dito sila isinilang at lumaki sa Antelope, California sa America.

Hindi ko nagamit ang pinag-aralan ko sa La Consolacion College, pero pinilit kong matutuhan ang paggawa ng hotcake at hayaan ninyong i-share ko sa inyo ang recipe.

PINOY HOTCAKE

INGREDIENTS:

2 large eggs

1 cup water

1/4 teaspoon salt

1 cup evaporated milk

2 tablespoon cooking oil

4 tablespoon Sugar

1/2 teaspoon vanilla extract (optional)

2 cups all purpose flour

1 tbsp. Baking powder

Margarine

Sugar

PROCEDURE:

  1. Sa isang bowl, pagsamahin ang egg, water, evaporated milk, oil, vanilla extract, salt at sugar. Haluin mabuti hanggang maging well-combined. Set aside.
  2. Sa ibang bowl, pagsamahin ang all purpose flour at baking powder. Mix well. Saka ibuhos dito ang wet mixture. Haluin mabuti hanggang sa maging smooth. Maglagay ng food color pero optional lang. After mixing, rest muna ng 30 minutes bago lutuin.
  3. Pahiran ang pan ng kaun­ting oil. Saka maglagay ng mixture at lutuin sa mahinang apoy hanggang sa bumula ang ibabaw. Pag medyo tuyo na ang ibabaw, baliktarin para maluto rin ang kabilang side. Ganito ang gawin sa lahat ng mixture.
  4. Ser­ving suggestion: pahiran ng kaunting mantikilya ang hotcake at lagyan ng asukal. Enjoy!

At nga­y­on, napatunayan ko ring mahusay pa akong managalog kahit ilang dekada na ako ngayon sa America

Dorie Botones