Sixty seven years old na si Priscilla “Nini’ Zaragoza at walang-wala sa kanyang hinagap na magkakaroon pa siya ng asawa.
Isa siya sa mga dedicated teachers na dahil sa sobrang pagmamahal sa kanyang trabaho ay nakalimutan ang pansariling kapakanan. Handang handa na talaga siya sa buhay ng pag-iisa. In the first place, retired na siya at maayos na rin naman ang buhay.
Ngunit hindi inaasahan, dumating sa kanyang buhay ang isang biyudong American na nag-iisa na rin sa buhay dahil malalaki na ang mga anak.
It was not love at first sight, ngunit naisip ni Priscilla na marahil ay ito na ang lalaking bigay sa kanya ng Maykapal. At magpapatumpik-tumpik pa ba siya? Kung tutuusin, ito na ang kanyang last trip. No, baka nga special trip pa.
Ngayon ay mahigit 10 taon na silang nagsasama at kapwa sila masayang masaya.
“Of course, hindi na ako nagkaanak,” ani Priscilla.
“Pero may mga anak ang asawa ko at ina na rin ang turing nila sa akin, kaya para na rin akong may anak. I think, marrying my hubby is the best decision I ever made in my life.”
RLVN