(Ibang-Iba ang Pinoy) I love you, Boy

Ano ang maa­a­sahan mo sa isang 18-year old girl na nagpakasal sa isang lalaking ilang taon ang tanda sa kanya?

Masasabing first and last love ni Mari­lou Pallones ang kanyang asawang si Boy na nakilala niya noong 1977. Yes, first and last — dahil wala talagang iba. May mga crushes noong high school, of course, pero walang serious feelings until Boy came along.

The marriage was not always a bed of roses, but they survived, na biniyayaan ng tatlong anak — si Bing, si MJ at si Bernard. Nakalusot din sila sa financial difficulties dahil nag-seaman si Boy, ngunit naiwan si Malou na mag-isang nag-aalaga at nagdidisiplina sa kanilang mga anak.

Finally, nag-decide si Boy na magretiro para ma-enjoy naman niya ang buhay may pamilya, ngunit may balakid. Na-diagnose si MJ ng delikadong sakit sa puso, na nangangailangan ng mahigit kalahating mil­yon para sa operasyon, bukod pa sa mahabang recovery period. May sapat na pera para sa operasyon ngunit may isa pa silang anak na nag-aaral, si Bernard. Kapag naubos ang pera, paano na si Bunso?

Kaya nag-usap ng masinsinan ang mag-asawa, at nabuo ang desisyon. Magtatrabaho si Malou sa Italy bilang domestic helper at maiiwan si Boy para sa mga anak nila. Ang pagsasamang inaasam-asam, muling naunsyami.

Ngunit tapos na ang mga pagsubok. Nakaligtas si MJ at naka-gra­duate na sa kolehiyo si Bernard.

“Very soon, uuwi na ako,” ani Malou. “Tapos na siguro ang financial obligations naming mag-asawa.

Isa o dalawang ta­ong na lamang siguro ang bubunuin ko dito at makakasama ko na uli ang pamilya ko.”

Sa likod ng hirap at mga pagsubok sa buhay, sa tagal ng pagsasamang inabot na ng ilang dekada, iisa lang ang mensahe ni Malou sa kanyang mister: “I love you, Boy.”

RLVN