Sabi ni Leticia Mislos Llosa Thornbird, isang waray na nakatira ngayon sa Sweden, “Ang tunay na ganda ay nakikita sa ugali, hindi sa panlabas na anyo.”
Noong bata pa raw siya, dinanas niya ang lahat ng hirap sa Leyte kung saan siya isinilang at lumaki.
Ito raw ang dahilan kung bakit nakarating siya sa Olongapo City at nagtrabaho bilang waitress at cashier sa bar na pag-aari ng kanyang tiyahin.
May asawa at dalawang anak na siya noon, ngunit isang single parent dahil inabandona silang mag-iina.
Doon niya nakilala ang kanyang Swedish hubby. Tinapat niya itong kasal siya sa unang asawa, ngunit balewala ito sa lalaki, at sa halip ay pinayuhan siyang mag-file ng annulment.
Doon niya natuklasang hindi pala naka-register ang kanilang kasal na ginanap sa Leyte, kaya invalid ito. At malaya siyang nakapagpakasal sa kanyang ikalawang pag-ibig.
“Hindi ko siya masyadong mahal noong una, Ate,” ani Letty, “pero inisip ko, chance ito para mabigyan ng magandang buhay ang mga anak ko. Pero napakabait ng Swedish husband ko, Ate. Napakadaling mahalin ng tulad niya.”
Bukod sa dalawang anak sa una, biniyayaan pa si Letty ng dalawa pang anak. Ngayon daw at kuntento na siya sa buhay, lalo pa at nakikita niyang maayos naman ang buhay ng lahat niyang mga anak.
Hindi rin umano maiiwasan ang intriga, pero kung meron, dedma lang.
Sa pa niya, “Pag may mga taong hindi deserve ang kabaitan mo, ikaw na mismo ang lumayo para hindi ka maabuso. But don’t stop being a good person. Ibigay mo lang sa tamang tao.”
RLVN