(Ibang-Iba ang Pinoy) I’ll always love you

Mirasol Almaden Valdez po, at your service. Myra for short. Dating Promotions Clerk sa El Cortez Hotel & Casino sa Las Vegas, Nevada,  USA, ngunit nasa Korea ngayon dahil doon ang trabaho ng aking loving husband.”

Napakatagal na ng paninirahan ni Myra sa United States, salamat sa tulong ng kanyang ate na si Lilia.

“I really love my ate,” ani Myra. “Malaki ang utang na loob ko sa kanya. She was the one who took me in, when I was so down. Tinulungan niya akong makabangon at makatayo sa sarili kong mga paa.”

Napaka-considerate daw ni Ate Lilia. Kahit noong alam na nitong mayroon siyang terminal cancer, kapakanan pa rin ni Myra ang kanyang iniisip. Kaya naman bilang ganti, inalagaan siya ni Myra hanggang sa huli. Nangahulugan itong mananatili siya sa US habang ang kanyang mister ay naka-assign sa Korea. Salamat na lamang at maunawain ang kanyang asawa.

“I felt so empty when my Ate Lilia passed away. My brain was blank. I couldn’t think of anything, considering that it was my birthday, too. The saddest birthday I had in my entire life,” kwento ni Myra.

“Same date last year, my beloved sister ate Lil to make it possible ce­lebrating my birthday. In spite of her health condition she was still able to message and ask favor to all our friends to celebrate my birthday no matter what…. I was really surprised. From the bottom of my heart, thank you, Ate Lil. Wherever you are now, I love you very much and I will always love you no matter what, ‘te. You are forever loved.”

Sa ngayon, kasama na ni Myra si hubby sa Korea,  ngunit kapag may okasyon, umuuwi pa rin sila sa Nevada — ang itinuturing na niya ngayong tahanan.

And of course, proud lola din si Myra.

“My oldest apo is taller than me now. He’s so handsome,” pagmamalaki niya.

RLVN