(Ibang-Iba ang Pinoy) I’M GOING BACK TO THE PHILIPPINES

THERE is something about you so mesmerizing, majestic. I’ve travelled this far to see you. I’ve finally made it. Thank you for the few minutes of magical view.”  Ma­yon Volcano ang tinutukoy ni Niceta Peramo Sherger, isang Canadian citizen na permanently living in Vancouver, Canada ngu­nit hindi makalimu­tang isa siyang true-blue Batangueña.

Isinilang siya at lumaki sa Sabang, Ibaan, Batangas. Middle child, kaya feeling neglected.

Nagtapos siya ng B.S. journalism sa Lyceum of the Philippines at nagtatrabaho ngayon bilang chief librarian sa Vancouver.

“Malapit na akong mag-retire,” aniya, ngunit hindi pa raw niya sigurado kung ano talaga ang gagawin niya.

Nitong October 7, nag-celebrate sila ng kanyang mister na si Kevin Sherger ng kanilang 38th wedding anniversary.

“Mom and Dad, your enduring 38 years of love is a tribute to the beauty of commitment and partnership. You never left each other when the going went tough. Instead, you stood by each other and faced the challenges together. I’m so happy that you’re celebrating another anniversary. Stay happy and in love, Mom and Dad,” bati ni Samantha,  ang kanilang panganay na anak, ina ng nag-iisa nilang apo na si Violet.

Sabi ni Nicett, si Violet daw ang “delight of her life,” na kahit ano pang problema ang dumating, kaya niya itong lutasin kahit mag-isa. Patunay na mas mahal talaga ang apo kaysa anak.

Ngunit bukod sa pagiging mapagmahal sa pamilya, faithful friend din si Nicett.

“I remember my friend K aka Mrs. Cruz, who already passed away,” aniya. “Favorite niya ang kanta ni Celeste Legaspi na ‘Tuliro’. Todo kumpas ng kamay at emote siya pag kinakanta ito, kahit wala sa tono! K must be singing this in heaven, kasabay ng pag-piroutte!”

Sa Batangas, nagpagawa siya ng 3-bedroom white house dahil madalas siyang umuwi sa Pilipinas kasama si Kevin. Plano raw nilang mag-retire dito in their old age.

“Of course we still need to go back to Canada every once in a while para sa annual confirmation ng aming pension,  pero most of the time, dito na talaga kami ni Kevin sa Sabang,” ani Nicett. “I’m definitely going back to the Philippines.”

RLVN