Jolly and bubbly, yan ang best description kay Rafael Villaret, Beng for short. Walang dull moment kapag kasama siya, at talaga namang sasakit ang tiyan mo sa katatawa — hindi dahil nakakatawa ang joke niya, kundi dahil paulit-ulit na niya itong nasabi pero feeling niya, hindi mo pa naririnig. For that reason alone, matatawa ka.
Sa isang seryosong pag-uusap, sinabi niyang isa lamang itong facade. Marami raw siyang problema at dinadaan na lamang niya ito sa tawa.
Ngayon ay nasa Canada na si Beng, may magandang asawa, mga anak at mga apo. Paminsan-minsan, umuuwi pa rin siya sa Pilipinas, ngunit Filipino by heart na lamang siya sa ngayon.
“Hindi ko nakalimutang Filipino ako, pero more than half of my life, nasa Canada ako, kaya mas sanay na ako sa buhay dito,” ani Beng.
RLVN