Mahigit kalahati ng buhay ni Engineer Angel Rivera, 69, ay ginugol niya sa United States.
Of course, hindi madali ang buhay. Mag-a-adjust ka sa ibang kultura, kakain ka ng pagkaing hindi ka sanay kainin, walang patis, walang bagoong, walang pandesal at walang balut.
At higit sa lahat, walang kanin. Mapipilitan ka ring mag-inggles kahit hindi ka sanay, at kailangang napakahaba ng pasensya mo dahil sa totoo lang, maraming co-workers na Kano ang nakakaubos ng pasensya.
Pero ngayong retired na siya at may mga apo na rin, oras na para i-savor ang pinaghirapan. Libangan nila ngayon ng asawang si Ligaya ang magbiyahe at mamasyal.
God willing, uuwi silang mag-asawa sa February 2026 para sa 50th anniversary ng Nu Sigma Beta, ang fraternity na kanilang itinayo noong 1976 sa Mapua Institute of Technology (MIT).
RLVN