(Ibang-Iba ang Pinoy) LIVIN’ LA VIDA LOCA

Akala ni Teresa Recto Martin ay tatanda siyang nag-iisa. Kasi naman, 40 na siya ay wala pa rin siyang seryosong relasyon. Until such time, just a couple of years ako, nakilala niya si Ricky Martin — hindi po yung singer, kapangalan lang. At heto nga, ikinasal sila at dinala na siya ni Ricky sa United States of America bilang Mrs. Martin.

Pagdating sa USA, kinailangan niyang matutong mag-drive ng sasakyan — kailangan!

“Learning to drive was something I was initially afraid of when I started, but it’s a decision I’ll never regret,” ani Teresa. “It has given me the freedom to go wherever I want! I’m really grateful to my husband for his patience in answering all my questions about driving.”

Pero malapit na raw talaga siyang mabaliw kung minsan, lalo na sa kanyang place of work.

“My coworkers call me by different names. When you’re a one-person world tour: Tirisa in the U.S., Terresa en Español, Teris in El Salvador, and the ultimate VIP title — Pilipin in Haiti! Guess I’m multi­lingual now!”

Nang una raw siyang dumalo sa American-Filipino Community Gala Night, sobrang saya raw ni Teresa at hindi niya makakalimutan ang bawat sandali.

Basta, lyrically and in reality, talaga raw “Livin’ la Vida Loca” siya ngayon. Ibig sabihin sa English, Living a Crazy Life which is really happening sa kanyang buhay dahil hindi pa siya gaanong nakaka-adjust sa American life.  Kung tutuusin, ang buhay niya ngayon sa America ay  irresistible, particularly sinister and wild, at pakiramdam niya she lives on the edge. Naaakit siya sa nakababaliw na mundo, ngunit masaya siya. Mas masaya kesa dati.

Good luck Teresa.

RLVN