“Success is not obtained overnight. It comes in intallments; you get a little bit today, a little bit tomorrow, until the whole package is given out.”
Iyan ang panuntunan sa buhay ni Ogie Cruz, isang dating public school sa Mathematics at part-time showbiz writer, na nagtungo sa United States some 20 years ago para matupad ang kanyang American dream.
“Totoo, Miss Nenet! Hindi nakukuha ang tagumpay sa isang liguan lamang. Minsan, kailangan mong maghintay ng ilang araw, ilang buwan, o maraming taon, bago mo makuha ang gusto mo,” ani Ogie. “Minsan nga, magsasara na ang libro mo pero hindi mo pa rin naaabot ang tagumpay.”
Hindi raw madali ang simula ng buhay niya bilang guro sa US. Syempre, Filipino ka — Asian — akala ng mga puti, sila lang ang magaling. Idagdag pa ang language barrier. Of course, marunong siyang mag-English, pero mas mahusay siya sa Math. Math teacher nga, di ba?
Kahit nahihirapan, nagtiis si Ogie. Ayaw niyang umalis na talunan. Aba, Filipino yata siya, at resilient ang Pinoy.
Nakailang taon din siya sa iskwelahang una niyang pinagturuan bago siya lumipat.
Pinatunayan muna niyang mahusay siya, at pagkatapos ay lumipat siya sa iskwelahang mas nakaka-appreciate sa kanyang talino.
Ngayon ay maayos na ang kanyang posisyon at isa na rin sa mga iginagalang na guro sa kanilang paaralan.
Sa wakas, nakamit na niya ang tagumpay.
RLVN