(Ibang-Iba ang Pinoy) THE GENERAL’S DAUGHTERS

Naniniwala si Brigadier Ge­neral Helen Estrada Nava, PA, kay Martin Luther King.

“If I cannot do great things, I can do small things in a great way.”

Iyan ang panuntunan niya sa buhay.

Twice a cancer survivor, pinili niyang mabuhay ng tahimik at masaya sa piling ng kanyang pamilya.

Mula sa middle class family ng mga Estrada sa Buting, Pasig City at panganay pa sa magkakapatid, inamin ni Helen na kahit maganda siya ay madalas siyang ma-bully, kaya ipinangako niya sa sariling magiging malakas siya at matatag.

Nang makapagtapos sa kolehiyo sa Rizal Technological University, naghanap siya ng trabaho upang makatulong sa pamilya, ngunit hindi siya sinwerte kaya nagdesisyon siyang pumasok sa Philippine Army. Hindi na natin iisa-isahin ang mga dinanas niyang hirap bago naging sundalo, ngunit bago siya magretiro, hero nga at naging ge­neral pa.

Nakakahiligan niya ngayon ang social media, salamat sa mga anak na sina Chelsea at Charlene, ang mga anak nila ni Carlos Nava na isang PMA graduate at retired ding opisyal ng Army. Sina Che at Cha ang nagturo kay Helen ng paggamit sa Meta.

Sa ngayon, naka-focus lamang si Helen sa pagpapakasaya kasama ang kanyang asawa, at ang General’s Daughters na siyang kabuuan ng kanyang pagkatao.

“Life is short, ” aniya. “Let’s make the most of it.”

RLVN