(Ibang-Iba ang Pinoy) MEANT TO BE

Classmates since Grade 2 til high school sina Salome Dimapilis at Romeo Angsioco, ngunit na-realize nilang may feelings sila sa isa’t isa noong college na sila, around 1978 or 1979.

“We’ve been in our relationship for around 10 years,” ani Meong.

Nursing ang kursong kinuha ni Salome at Engineering naman si Meong, kaya naunang nakapunta sa US si Salome noong 1984, dahil in demand ang nurse sa Michigan.

Sumunod si Meong sa Michigan noong 1988 at doon na rin sila nagpakasal noong August 13 1988.

Nagkaroon sila ng dalawang anak — isang babae at isang lalaki.

Of course, hindi laging bed of roses ang buhay. Nàg-aaway rin sila paminsan-minsan, ngunit ang most challen­ging sa kanilang pagsasama ay ang pagpapalaki ng mga bata sa US, lalo pa nga at wala silang pambayad sa nanny.

“We were a young couple, both working, and had to arrange our schedules,” sabi pa ni Meong. “Wala kaming pambayad sa babysitter. Ang gagastusin namin sa nanny, ibibili na lamang namin ng mga pangangailangan nila. It was hard driving in the middle of winter, and to switch cars with two sets of cars so we don’t have to bring out the kids out of the car. Magkikita kami sa parking lot. Ang mga bata, na papasok na sa school, maiiwan sa kotse.”

“Ako ang nag-aasikaso sa kanila sa umaga sa pagpasok sa school, I prepared them in the morning,” dagdag pa ni Meong. “My wife worked night shifts and so leaving work in the hospital in the morning, para makakapag-switch cars kami sa umaga, dahil ako naman ang papasok sa trabaho. My wife, who got off from work in the morning would drive the kids to school, and then pick them up in the afternoon before she goes to work in the hospital. Same routine everyday hanggang sa hindi na sila kailangang ihatid. Ganyan ang buhay sa US.”

Sa mga pagsubok na dinaanan nila ng magkasama, minsan man ay hindi nila naisip na maghiwalay.

“Yes, meant to be talaga kaming dalawa, no question about that.”

RLVN