(Ibang-Iba ang Pinoy)The ice-cold world of Annie Parales

Malalaki at matatamis na mga ngiti, mga yakap sa kainigang nakasama sa mahabang panahon — mga awit sa himig na gusto niya — diyan umiikot ang mundo ni Annalie Parales, isang overseas Filipino worker sa Anchorage, Alaska, USA.

Ga­ling sa pamil­yang upper middle class, nagtapos ng high school si Annie sa prestihi­yosong Saint Paul’s College Pa­rañaque at nagtapos naman ng B.S. Econo­mics sa Cavite State University.

Nang magkaroon ng pagkakataon ay nagtrabaho siya sa abroad. Kesehodang maging do­mestic helper kahit tapos pa siya ng college — basta magtatrabaho siya sa abroad para kumita ng dolyar.

Una siyang pumunta sa Greece ngunit nagkaroon ng pagkakataong makarating sa US, kaya heto siya ngayon sa nagyeyelong bansa ng Alaska.

Mahigit kalahati ng kanyang buhay ay ginugol niya sa pagtatrabaho sa abroad at halos hindi na siya maka-adapt sa mga pagbabago sa Pilipinas,  lalo na sa Kamaynilaang saksakan ng traffic. Nahihirapan din siya sa napakainit na panahon, ngunit sa mga darating na taon, uuwi rin siya … babalik din siya sa kanyang tinubuang bayan.

“Syempre nami-miss ko din ang aking pamilya, lalo na ang namatay kong Mama na nagturo sa akin ng lahat ng alam ko — except how to live without her. I miss you,  Mama.”

RLVN