IBANG OIL FIRMS NAG-ABISO NG TAAS-PRESYO

OIL PRICE HIKE-2

NAG-ANUNSIYO ang ilan pang kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas-presyo sa kanilang mga produkto simula ngayong araw ng Martes, Disyembre 3.

Ayon sa Total, Phoenix Petroleum, Seaoil, PTT Philippines, Cleanfuel, at Caltex, tataasan nila ng P0.65 ang presyo ng kada litro ng diesel, at P0.30 ang kada litro ng gasolina.

Magpapatupad din ang Seaoil at Caltex ng P0.50 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga maliban sa Caltex at Cleanfuel na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi.

Nauna nang mag-anunsiyo noong weekend ang Shell at Petro Gazz ng taas-presyo sa petrol­yo, na ipatutupad din sa Martes.

2 thoughts on “IBANG OIL FIRMS NAG-ABISO NG TAAS-PRESYO”

  1. 623851 788433It is a shame you dont have a donate button! Id without a doubt donate to this brilliant blog! I suppose for now ill settle for book-marking and adding your RSS feed to my Google account. I look forward to fresh updates and will share this weblog with my Facebook group. Chat soon! 981490

Comments are closed.