IBA’T IBANG KLASE NG ISDA LUMUTANG SA SAMPALOC LAKE

sampaloc lake

LUMUTANG sa Sampaloc Lake ang tinaguriang City of the Seven Lakes sa lungsod ng San Pablo ang iba’t ibang uri ng isda kahapon ng madaling araw.

Dahil dito, pinagpiyestahan ng maraming residente ang pamumulot ng isda na ginawang pang-ulam ng mga ito bukod pa ang pinagkitaan ng mga ito ng pera.

Ayon sa mga residente, nitong nakalipas na dalawang taon lumutang din ang maraming uri ng isda dahil sa sobrang lamig ng panahon o ang pagbabago ng klima.

Anila, bahagi ng vulcanic ang lugar at kailangan ng mga isda ang normal na init at lamig ng tubig.

Ang sobrang malamig ang tubig sa ibabaw habang sa ilalim naman ay mainit  ang posibleng maging dahilan ng pagkamatay ng mga isda dulot ng hindi makayanang init at lamig ng tubig.

Maraming isdang ayungin, tilapia, iba’t ibang uri ng karpa at hipon ang pinagpiyestahan at pinagkitaan ng pera ng maraming residente.

Dahil dito, inaasahang marami pang uri ng isda at hipon ang inaasahang mamamatay dahil sa sobrang lamig ng panahon.

Sa kasalukuyan, makikitang maayos, malinis at pinaganda ng Pamahalaang Lokal ng San Pablo sa ilalim ni City Mayor Loreto Amante ang Pitong Lawa para mapanatili at kilalanin na isa ito sa Tourist Spot sa buong bansa. DICK GARAY

Comments are closed.