(ni CT SARIGUMBA)
IBA’T IBANG sakit ang nagkalat sa paligid na kapag hindi tayo nag-ingat ay maaari tayong dapuan o mahawa. At upang maiwasan ang iba’t ibang sakit, mahalagang naaalagaan natin ang ating sarili at nakakakain tayo ng mga pagkaing masusustansiya.
Malaki nga naman ang kinalaman ng diyeta sa pagkakaroon ng iba’t ibang sakit. Marami rin sa atin ang nakararanas ng anxiety.
Isang common disorder ang anxiety na nararanasan ng maraming indibiduwal. Ang mga sintomas nito ay ang excessive nervousness, fear, apprehension, fear, heart palpitation or sleeplessness.
Isa sa mainam gawin upang maiwasan ang sintomas ng anxiety ay sa pamamagitan ng pagkain ng healthy at nasa tamang oras. Ibig sabihin, bawal o iwasang mag-skip ng pagkain. Maging mapili rin sa kakainin at iwasan ang nakasasama sa kalusugan.
Sa pamamagitan nga naman ng pagkain ng regular meal ay napananatili ng katawan ang blood sugar levels at napagaganda ang mood o pakiramdam ng isang tao.
May iba’t ibang pagkain na nakatutulong upang mabawasan ang sintomas ng anxiety. At ilan sa pagkaing iyan ang mga sumusunod:
MACKEREL AT IBA PANG FATTY FISH
Ang mga fatty fish gaya ng mackerel, salmon at sardines ay mayaman sa omega-3 fatty acids na nakatutulong upang mapabuti ang cognitive function at mental health.
Lumalabas din na ang higher levels ng anxiety at depression ay naka-link sa brain inflammation. Kaya’t makatutulong ang ome-ga-3 para mabawasan ang sintomas nito nang hanggang sa 20 porsiyento.
Kaya naman, isama na sa diyeta ang mackerel at iba pang klase ng fatty fish nang maiwasan ang brain inflammation.
STARCHY CARBOHYDRATES
Kailangan nating alagaan ang ating brain sa pamamagitan ng tamang pagkain at pagbibigay ng nutrients nang mag-work o gumana ito ng mabuti. At ang mga pagkaing nabibilang sa starchy carbohydrates ang mainam na isama sa diyeta. Ilan sa starchy carbohydrates ang potatoes, bread, cereals at pasta.
WHOLEGRAIN CEREAL
Nagiging dahilan din ng pagiging anxious ang kakulangan sa B vitamins 6 at 12 sa diyeta.
Kaya naman para maiwasan ang anxiety, mainam kung kahihiligan ang wholegrain cereal o mga pagkaing mayaman sa vitamin B6 kagaya ng bananas, poultry, seafood and leafy green vegetables. Ang mga pagkain namang mayaman sa vitamin B12 ay ang meat, fish, eggs at dairy.
EGG YOLKS
Isa pa sa maaaring kahiligan ang egg yolks upang mabawasan ang nadaramang anxiety. Mayaman sa vitamin D ang egg yolks.
Nagtataglay rin ito ng protein na kailangan ng katawan.
Mayroon ding tryptophan ang egg yolks na siyang tumutulong sa paggawa ng serotonin. Ang serotonin naman ang siyang tu-mutulong upang ma-regulate ang mood, makatulog ng maayos, memory at maibsan ang anxiety.
Isa pa sa gulay na nagtataglay ng serotonin ay ang spinach.
CHAMOMILE TEA
Isa naman sa inumin o tea na maaaring subukan nang maibsan ang nadaramang stress o anxiety ay ang chamomile tea. Naka-pagpapakalma ang nasabing inumin o tea. Lumabas din sa ilang pag-aaral na ang chamomile tea ay nakapagpo-provide ng antide-pressant benefit na nakapagpapa-reduce ng anxiety.
WATER
Panghuli sa ating listahan ang tubig. Alam na alam naman natin kung gaano ka-healthy ang tubig. Kailangang-kailangan din ito ng ating katawan nang mapanatiling hydrated.
Ang pagiging hydrated ang isang susi upang mapangalagaan hindi lamang ang ating mental health, kundi ang kalusugan ng buong katawan.
Kaya naman, ugaliin ang pag-inom ng maraming tubig nang maiwasan ang dehydration at mapanatiling malusog ang pangangatawan.
Maraming pagkain ang puwede nating subukan upang maiwasan ang sintomas ng anxiety gaya na nga lang ng mga nakalista sa itaas. (photos mula sa mindfulchef.com, bulgarbugle.com at thespruceeats.com)
Comments are closed.